Pages: [1]   Go Down
Author Topic: Iba't Ibang Uri ng Photographers:  (Read 233 times)
Jing Velos
GCC Member
Cameraphone
***
Posts: 56



« on: January 29, 2010, 12:03:09 PM »

Iba't Ibang Uri ng Photographers:
 
 1. MAKALIKOT
 
 Ito ang uri ng photographer na naka-pose na ang modelo pero bago  pindutin ang shutter button ay kung anu-anong settings pa ang  pinaglalalagay sa camera n’ya: mula shutter speed hanggang sa lens  length, kahit prime na ‘yung lens n'ya at sakto na, papalitan n'ya pa  rin kasi pakiramdam n'ya parang may mali. Nagbo-bokeh pa para lang  makuha ‘yung gustong effect! Ang resulta? Hayun, ngawit ang model.
 Kalupitan level: 1/5
 
 
 2. MAUTOS
 
 Madalas ito sa mga may model shoot. Uutusan nila ang model: nguso,  liyad, tuwad, higa, hubad - makuha lang yung perfect angle. Ang resulta?  Ang model ay parang clay - kung anu-anong posture ang gagawin. Kaso 'di  puedeng umangal ‘yung model. Papasikatan s'ya nung photographer tapos  'pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose, hindi pa. Makikita  mong gumugulong-gulong din 'yung photographer para daw perfect lighting  'yung kuha n'ya.
 Kalupitan level: 3/5
 
 
 3. HUMAN GORILLAPOD
 
 Uncommon ito pero 'pag naka-encounter ka, luluwa mata mo! Opposite ito  ni MAUTOS. Imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang  nagbe-bend, lumiliyad, humihiga, tumutuwad. Kulang na lang maging  gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha. Ayaw n'yang utusan ang  model dahil baka tumanggi na 'yun sa next photoshoot eh. Makikita mo  lahat ng kasama n'ya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa  photographer. Biruin mo, human gorillapod flexibility eh. 'di mo s'ya  masisisi: perfect lighting ang habol n'ya. It's all about the lighting  'ika nga 'di ba? And, his/her shots will justify it. Pero pagkatapos ng  shoot at nakauwi na ang lahat, dederetso 'yan sa botika para bumili ng  pain reliever.
 Kalupitan Level: 6/5
 
 
 
 4. MAPINDOT
 
 Makita lang 'yung shutter button - 'yung bilog na kulay abo na makintab -  talagang naglalaway na, at gagawin ang lahat para lang mapindot.  Nanghihinga s'ya sa tuwing maririnig ang tunog ng shutter release.  "chukah chukah chukah" Kung maaari lang na gawing ringtone sa cellphone,  ginawa na n'ya.
 Kalupitan level: 2/5
 
 
 
 5. MAPILI
 
 Marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots. Basta makita n’yang  maganda, shoot! pero ‘pag nakita n’yang parang ‘di pasok sa panlasa  n’ya, ‘di n’ya kukunan kahit marami na’ng photographer ang kumukuha.  ‘pag sinabi n’yang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan n’ya, ayaw  talaga.
 Kalupitan level: 3/5
 
 
 
 6. AUTISTIC/TUOD
 
 Oo meron n’yan! ‘yung tipong kailangan mo i-reboot ‘yung tao. Aakalain  mong ‘di gumagalaw, pero ‘pag nakapose na ang model, parang robot ‘yang  itataas n’ya ang kamay na may camera papunta sa kanyang mata. Alam n'yo  yung pag-arte ni Arnold Schwarzenegger sa Terminator? Ganon s’ya: cold.  Makikita mo ‘yan nakatayo lang sa isang tabi tapos hindi kikibo. ‘pag  lalapitan mo, blank. Magugulat ka na lang may reset button na umiilaw.  Pentium Poor ang processor n’ya. pero ‘wag mo s’yang pagtawanan,  magaganda ang mga shots n’ya. Kelangan lang n’ya mag-upgrade ng  processor.
 Kalupitan level: 7/5
 
 
 
 7. MA-ZOOM
 
 Ito ‘yung mga may paparazzi tendencies. Makikita mo sa lens lineup n’ya:  may wide, tele, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng  70-200mm, 80-400mm, etc... merun s’ya! ‘yan yung mga tatawagan mo sa  gabi, sasabihin nagna-night shoot daw. Night shoot nga kaso ang  kapitbahay na nagbibihis ang subject.
 Kalupitan level: 4/5
 
 
 
 8. MA-MACRO
 
 Kabaliktaran ito ni MA-ZOOM. Lahat ng maliliit na bagay, gustong  up-close at malaki: magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, gagamba,  langgam, sperm cell at kung anu-ano ‘pang gumagapang at gumagalaw. Lens  lineup? Ayaw bitiwan ang kit lens n’ya kase may macro capabilities ‘yun.  Madali mo silang mapupuna kasi kahit walang camera, makikita mong uupo,  dadapa, tutuwad o gagapang ng malapitan sa isang subject at iisipin  "ima-macro kitaaahhh… hintayin mo, mamamacro din kitaaahhh… bwahahaha…"
 Kalupitan level: 3/5
 
 
 
 9. TRIGGER-HAPPY
 
 Pagsamahin mo ‘yung characteristics nila MAPINDOT at MA-ZOOM para maabot  ang status na ‘to. Lahat kinukunan. Lahat at kahit anong bagay:  electric fan, bumbilya, lababo, agiw, o alikabok; pati pulubi, taxi  driver, katrabaho, kapitbahay, tindera, bata, matanda o tulog, gising,  patay, gumagalaw o hindi. Basta parang lulong na palaging may bumubulong  na “ito, kunan mo, kunan mooohhh!!!”
 Kalupitan level: 5/5
 
 
 
 10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG
 
 Ito ‘yung photographer na gala. May hampered characteristics ito ni  TRIGGER-HAPPY. Lalabas ito ng bahay sa umaga, bitbit ang camera. Mula  Manila City Hall, mapapadpad ‘yan ng Caloocan.Uuwi ng hapon na  punong-puno ng raw at jpeg files ang memory cards n’ya. ‘wag n’yo s’yang  sisihin, marami syang pera!!!
 Kalupitan level: 4/5
 
 
 
 11. TAMAD
 
 Ito ‘yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero tinatamad  pagdating sa post-processing. Bihira mag-shoot sa raw, jpeg na lang.  Makikita mong nabubulok na ng isang dekada ‘yung mga kuha n’ya. ‘di n’ya  pino-post process. ‘yung multiply n’ya? ‘di updated kahit online s’ya.  Dahilan n’ya? Katamad eh...
 Kalupitan level: 6/5
 
 
 
 12. POST-PROCESSING BUFF
 
 Ito ang pinakametikuloso pagdating sa post-processing. Lahat ng options  kinakalikot: white balance, tone, color, contrast, dimension at file  format. Lahat. Basta makuha n’ya ‘yung pinakamagandang kuha. ‘wag ka,  Lahat ng post-processing tools, apps at plugins meron sa PC n’ya - the  ultimate darkroom man. Pero ‘pag nakita mo pics n’ya, mapapakamot ka ng  singit sa ganda!
 Kalupitan level: 5/5
 
 
 13. MA-WATERMARK
 
 Ito ang mga photographers na sobrang laki ng watermark. Parang watermark  ang tinubuan ng picture. Tipong minumura ka sa laki! Pero magtataka ka,  elaborate ‘yung design ng watermark: maraming burloloy gaya ng dahon,  kahoy, kamay, paa, at ilong. ‘di lang ‘yan, mayroon ding tatadtarin ng  iba't ibang styles ng watermark yung picture: paiba-ibang kulay,  paiba-iba ng fonts at fontsize, ‘di lang isa minsan parang mga kabute  kapag malakas ang kidlat! Masyado nilang pinagmamalaki ang kanilang  watermark este, pictures pala.
 Kalupitan level: 4/5
 
 
 14. MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION
 
 Gulat ka ano? Uso ‘yan ngayon! ‘yan ‘yung mga magagandang babae at  lalaking photographers.... ‘yung tipong ‘pag may shoot kayo at walang  model, magpopose ‘yan sa isang tabi tapos kunwari hindi wari na  kinukunan s’ya ng iba. Makikita mo na lang ‘yan mamaya na nakasandal sa  pader, nakahiga sa damuhan, nakaupo sa sahig, tumatawa, umiiyak,  gumagawa ng sariling moment. Pero, pero dead-ma pa rin! ‘yung iba  talagang ka-career-in ‘tong status na ‘to... ayos eh! Malalaman mo na  lang na gina-grab n’ya ang mga kuha mo sa kanya tapos sasabihin n’ya  “Sh*t kailan ‘to? Hindi ko ‘to alam ah! Ikaw talaga? Guapo/ganda ko  pala!”
 Kalupitan level: 4/5
 
 
 
 15. BOYSCOUT
 
 Alam n’yo naman siguro ang motto ng isang boyscout: laging handa! ‘yan  yung makikita mo na may dalang malaking backpack. ‘yung tipong dala n’ya  ‘yung studio n’ya sa bag. ‘pag binuksan mo, (kumikinang pa) at biglang  magtratransform khokhokhokhokhok! pooft! instant studio! Lahat ng  kakailanganin mo nanduon: softbox, umbrella, tripod, costumes at makeup.  Ito na siguro ‘yung magaling magsiksik ng gamit sa bag... ‘yan ‘yung  biglang sasabihan ka “Tara shoot tayo, dala ko studio ko sa bag.”  Mapapaisip ka sa una at ‘pag nakita mo laman ng bag n’ya, mapapanganga  ka at tutulo pa laway mo!
 Kalupitan level: 7/5
 
 
 
 16. STALKER
 
 Ito na siguro ang ultimate mamaw photographer. Ito ang supling nila  MAPINDOT MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY.Karamihan ng mga ganitong  photographers ay nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang  babae at lalaki, tapos babanatan s’ya ng zoom range n’ya mula sa  kanyang lens lineup. Makikita mong naka-mount sa camera n’ya ‘yung mga  mahahabang range ang zoom. Dadasalan n’yang kuhanan ‘yung natipuhan  n’yang subject habang bumubulong ng “maging akin kaaahhh. maging akin  kaaahhh…” habang hanggang tainga ang ngiti. Mapapansin mo na kapag  nakatingin sa kanya ang subject, biglang itututok n’ya sa iba ang camera  para hindi mahalata nung subject na s’ya talaga ang kinukuhaan n’ya.  Makikita mo s’ya sa susunod na event shoot na kinukuhanan pa rin ang  subject na trip n’ya pero kit lens na ima-mount n’ya para malapitan  n’yang kukunan ‘yung subject... style lang n’ya ‘yun. Malalaman mo na  lang na hiningi na n’ya ‘yung YM, multiply, deviantart, cellphone  number, email address, birthday at first love ng subject n’ya
 
 source: http://magsgwapo.multiply.com/journa...g_Photographer
 
Logged

Think Green! Discover New Wonder....
Olympus E520, E500, 14-54 f2.8, 50-200 f2.8-3.5, Metz 48 AF

Pages: [1]   Go Up
Print
Jump to: